Saturday, August 16, 2014

layunin ng lipunan: kabutihang panlahat

Edukasyon sa Pagpapakatao 
Baitang 9 
Unang Markahan 

           MODYUL 1: LAYUNIN NG LIPUNAN: KABUTIHANG PANLAHAT 

A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO? 

        Huwag kang makialam! Hindi mo pa ‘yan dapat pinakikialaman, bata ka pa! Naalala mo pa ba ang mga linyang ito mula sa mga magulang mo noon? May mga bagay sa iyong paligid noon na hindi mo maaaring pakialaman dahil bata ka pa; pero lumilipas ang panahon at nagbabago ang maraming bagay. Darating talaga sa isang kabataang katulad mo ang makialam.




               Napapansin mo ba ang sarili mo sa kasalukuyan? Marami ka na bang napapansing mga pagbabago? Nag-iiba na ba ang mga reaksyon mo sa mga nangyayari sa iyong paligid tulad ng mga balita at mga isyung nangingibabaw sa media? Kung OO ang sagot mo sa mga tanong na ito, ibig sabihin ay lumalabas na sa iyong sarili ang iyong pagtingin, mayroon ka ng pakialam sa iyong lipunan. Nakikilala mo na hindi ka lamang nabubuhay para sa iyong sarili at para sa iyong pamilya, na mayroong mas malawak na mundong iyong 
kinabibilangan at ikaw ay isang mahalagang bahagi nito. Kung HINDI naman ang iyong sagot, huwag kang mag-alala at darating din ang pagkakataong mababago ang iyong pananaw sa buhay. Maaaring naghihintay lamang ito ng tamang pagkakataon. Maaaring makatulong nang malaki sa iyo ang mga aralin sa baitang na ito. Sa dalawang taon mo ng pag-aaral ng Edukasyon sa Pagpapakatao, nagkaroon ka ng pagkakataong masuri ang iyong pananagutan sa sarili at sa iyong kapwa. Ngayong taon naman ay mamumulat ang iyong mga mata sa lipunang iyong ginagalawan. Napag-aralan mo sa asignaturang Araling Panlipunan ang maraming bagay tungkol sa lipunan, ang kahulugan nito, layunin at marami pang iba.


http://depednaga.com.ph/files/EsP-9-LM-DRAFT-3.31.2014.pdf







                     

4 comments: